Ayon sa GMA Network Online News, "Ramil Sumangil founded Books for a Cause (BFAC) to spread what he calls “precious knowledge” and strengthen literacy in the remote and depressed areas of the country."
Basahin ang buong artikulo sa sumusunod na link: http://www.gmanetwork.com/news/story/390690/lifestyle/literature/from-books-to-a-cause
Bagama't may mga typographical errors tayong napansin sa artikulo, nakakalaking puso pa ring malaman na isang Cuyapeno at tubong Baloy Si Ramil Sumangil.
Si Ramil kasama ang mga mag-aaral at mga guro ng Nagcuralan Elementary School (hiniram mula sa FB account ng Books For A Cause) |
Sa ating pananaliksik, marami na pala siyang natulungan sa ating bayan. Halos lahat pala ng mga eskewlahan sa Cuyapo ay kaniya nang napuntahan para magdala lamang ng mga libro, kagaya ng mga eskwelahan sa kanyang barangay sa Baloy, mga eskwelahan sa San Juan, Paitan Sur at Norte, Columbitin, Nagcuralan, Bambanaba, Simimbaan, Villaflores, Luna, Burgos, Curva, Matindeg, Rizal, Nagmisahan, at marami pang iba. Lingid sa kaalaman ng lahat, bagama't hindi siya kailanman nagtapos sa Cuyapo Central School, siya rin pala ang instrumento para maaayos at madagdagan ng mga libro ang bahay aklatan dito.
Saludo kami sa 'yo, kailyan!
Sana'y maging inspirasyon ka ng ating mga kababayan at tularan ang iyong naumpisahan.
Makikita ang mga ginagawa ni Kailyan Ramil Sumangil sa link na ito ng Books For A Cause: https://www.facebook.com/booksforacauseph/
No comments:
Post a Comment