Showing posts with label Farming. Show all posts
Showing posts with label Farming. Show all posts

Pritil

 
10012011332 09012011328 09012011329 
Ang Cuyapo Pritil ay isang maganda at  "free-flowing" na  ilog o "waig"  na pinanggagalingan ng malinis na tubig noong mga dekada 70 hanggang 80. Nagmumula ito sa Malineng at bumabagtas sa kabukiran ng Latap, District 2, patungong Tutuloy. District VI, hanggang Bentigan at Laoac.
 
Noong mga panahon iyon, ginagawa itong pasyalan  at "swimming pool"  ng mga kabataan. 
 
Nagsisilbi rin itong irigasyon sa mga palayan sa paligid nito, lalo na sa mga panahong nagkukulang sa tubig  ulan..
 
Sa pagdaan ng panahon, unti-unti itong nasisira sanhi ng mga basura naitatambak dito.  Unti unti itong natutuyo at ang tabig na noo’y libreng dumadaloy ay nawala na. Sa kasalukuyan nitong estado, parang imposible na itong mapakinabangan dahil sa patuloy na pagkasira nito at  kakulangan ng "maintenance".
 
Sana'y makita ito ng mga namumuno at bigyang pansin ang rehabilitasyon para patuloy na mapakinabangan na ating mga mamamayan, lalo na ng mga magsasakang umaasa sa tubig na patuloy na dadaloy dito.  Sa mga mamamayang nakatira sa paligid nito, sana’y iwasan din ang pagtatapon ng mga basura para hindi ito tuluyang matabunan at tulyang mawala sa ating paningin.

Ang mga larawan ay kontribusyon ni Pedro Domingo