Cuyapo Hymn




Cuyapo, Bayan Ko
Sinulat ni: Denver B. Lopez

Sa dulong hilaga ng Nueva Ecija
Ay bayang natatangi at sinisinta
May masaganang tanimang ginto ang bunga
Pagkaing dulot nito’y buhay sa bawat isa
O ang bayan ko, Bayan ng Cuyapo
Tubo dito lahing Cuyapeño, Lahing Pilipino

Binubuo ng limampu’t-isang barangay
Likas ang pagtulong, sa kapwa’y may pagdamay
Taimtim na panalangin sa Lumikha’y taglay
May tradisyon at kulturang pinahahalagahang tunay
Pagkakaisa sa puso, isip at diwa
Sa bayang ito mga Cuyapeño’y payapa’t masaya

Paunlarin, tangkilikin sariling bayan natin
Sa sipag at pagtitiyaga at magandang hangarin
Sa bayang sinilangan, tagumpay kakamtin
Himig nating Cuyapeño sama-samang awitin
Cuyapo, Bayan ko maging buhay alay sa’yo
Maipagmamalaking totoo dito’t sa buong mundo
 
Koda:
Ang Bayan ng Cuyapeño, Bayan ng mga Pilipino
O ang Bayan ko – Bayang Cuyapo Kapit bisig tayo, para sakin at sayo, sa Bayan ng Cuyapo

Video courtesy of Cel Mandapat

No comments: