Panahon na naman ng mangga..
Ang mangga ay isa lamang sa mga pangunahing pinagkakaitaan ng ating mga kababayan.. Pagkatapos ng anihan ng palay sa buwan ng Oktubre, d’yan naman nag-uumpisa ang pag papabulaklak ng mga puno ng mangga. Ang mga ito ay ini-spray-han ng chemical na pampabulaklak. Pero sa mga walang masyadong puhunan, ginagamit nila ang natural na pamamaraan o kaya ay pinau-usukan nila ang mga ito. Karamihan nito ay makikita sa mga barangay na kagaya ng Malineg, Columbitin, Salagusog hanggang Baloy.
Pictures courtesy of Noel Esperanza
No comments:
Post a Comment