Kung iniwan man kita at nangibang bayan.
natukso sa piling ng dayuhang kinang,
nilimot ang pait ng karalitaan,
naglunoy sa piling ng kasaganaan,
ngayong may gatla na at maraming uban,
tila ang isip ay naalimpungatan,
aking naalala ang pinanggalingan,
ahhh bakit ba kita iniwan iwanan,
ngayon ay sabik at gustong balikan
ngunit napiit sa kahinaan ang katawang
di na kayang sa agos lumaban
upang ang landasin ay aking balikan,
ang aking sinta at mahal na Bayan.
Bayang Cuyapo na aking sinilangan..
sana sa dapit hapon ng aking buhay
kung ako ay babalik upang humimlay
sa piling ng aking mga mahal sa buhay
tanggapin mo parin sa pagpapahingalay,
sa piling mo sana'y di na mahiwalay...
Isang natatanging tula ni George Costales para sa mga kababayan nating nangingibang bayan...
No comments:
Post a Comment