Si Simeon habang nakatayong kumakain |
"Pwede ko po bang bigyan ng pagkain yong mama?" Ang tanong ng kumakaing lalaki, di katandaan, sa kainan ni Simos.
Mabilis ang naging tugon ng matandang babaeng tagasilbi sa lalaki. Napangiti ito. Nag-order ang lalaki at ipinahatid sa kinarooonan ni Simeon.
Halos maluha ang lalaki sa nakitang pagkain ni Simeon sa ipinahatid nito sa kanya.
Sino ba ang hindi nakakakilala kay Simeon?
Nagkamulat tayo'y nandyan na siya. Siguro'y nasa edad 30 na siya noong tayo'y (at least, ako) nag-uumpisang magkamalay. Ang mga bagay-bagay sa paligid noon ay maayos pa. Subalit habang tumatanda si Simeon at patuloy na naghihirap sa kanyang kalalagayan, napansin kong parang sumabay din sa pagtanda ng ating bayan. Tingin ko tuloy ay parang si Simeon ang totoong simbolo nito.
No comments:
Post a Comment