Ang Cuyapo Pritil ay isang maganda at "free-flowing" na ilog o "waig" na pinanggagalingan ng malinis na tubig noong mga dekada 70 hanggang 80. Nagmumula ito sa Malineng at bumabagtas sa kabukiran ng Latap, District 2, patungong Tutuloy. District VI, hanggang Bentigan at Laoac.
Noong mga panahon iyon, ginagawa itong pasyalan at "swimming pool" ng mga kabataan.
Nagsisilbi rin itong irigasyon sa mga palayan sa paligid nito, lalo na sa mga panahong nagkukulang sa tubig ulan..
Sa pagdaan ng panahon, unti-unti itong nasisira sanhi ng mga basura naitatambak dito. Unti unti itong natutuyo at ang tabig na noo’y libreng dumadaloy ay nawala na. Sa kasalukuyan nitong estado, parang imposible na itong mapakinabangan dahil sa patuloy na pagkasira nito at kakulangan ng "maintenance".
Sana'y makita ito ng mga namumuno at bigyang pansin ang rehabilitasyon para patuloy na mapakinabangan na ating mga mamamayan, lalo na ng mga magsasakang umaasa sa tubig na patuloy na dadaloy dito. Sa mga mamamayang nakatira sa paligid nito, sana’y iwasan din ang pagtatapon ng mga basura para hindi ito tuluyang matabunan at tulyang mawala sa ating paningin.
Ang mga larawan ay kontribusyon ni Pedro Domingo
4 comments:
pasensya na po kau at hndi ako Laking cuyapo kaya't hndi talaga aq famiLiar sa mga Lugar dito. ganun pa man nagawa na po ang opisina nmin na program of works para sa pritiL footbridge...
kung mayroon pa po kaung request ay maari po sana mkipagcoordinate sa inyong apitan at gumawa po ng bLack and white para sa request ninyo ng sa ganun po ay maaksyunan agad ang request nyo...salamat po.
Hello, Anonymous, Sir. Thank you very much for your comment. Kayo po ba ay taga Munispyo? Or taga opisina ng DPWH? O sa pamunuan ng ating gobernador? Amin po itong ipararating sa barangay upang sa ganon ay maaksyonan agad ang aming kahilingan, para sa kapakinabangan ng aming mga mamamayan, lalo sa mga nakapaligid sa Pritil.
Marami pong salamat sa inyong impormasyon.
Kung maaari po sana ay patuloy kayong makipagtulungan sa amin.
God bless you.
kayo naman jan nakaupo subukan nyo namang tumayo at baka matanaw at bka matanaw ninyo ang tunay n kalagayan ng pritil. Che
Am from Cuyapo and grew up in District VI.
Am proud to say that I had the privilege to take a dip in this once beautiful source of life.
My lolo, benefited a lot from here because he owned a farm land beside it and my lola used to catch fish and frogs in it, for our diningding and baradibud.
It's just sad to see it deteriorate through course of time, due to our negligence and lack of love of it.
I think the part of the problem is with us, most specially those living around it.
If I may suggest, the first step we can take to rehabilitate it is EDUCATION for the entire community and am positive everything will follow. here's my 2 cents.
Post a Comment